DRUG DEN NADISKUBRE SA ENTRAPMENT OPS NG PDEA

PAMPANGA- LIMA katao ang naaresto sa entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang sumisinghot ng droga sa isang drug den sa Brgy. San Francisco, Mabalacat.

Kinilala ni PDEA-3 Regional Director Bryan B Babang ang mga suspek na sina Carlo Laczon, 22-anyos; Marlon Quizon, 45-anyos, Roy Pamintuan, 40; Nicomedes Mamangun, 23 at Reynaldo Quizon, 27-anyos.

Nakuha ng mga awtoridad sa drug den ang pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000 assorted drug paraphernalias digital weighing scale at marked money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL

7 thoughts on “DRUG DEN NADISKUBRE SA ENTRAPMENT OPS NG PDEA”

  1. 115084 461770Normally I try and get my mix of Vitamin E from pills. While Id actually like to by means of a wonderful meal plan it can be rather hard to at times. 631619

Comments are closed.