DRUG DEN NALANSAG, 5 ARESTADO SA P100K SHABU

TINATAYANG aabot sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng pinagsanib-puwersa ng Philippine Drug Enforcemen Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isinagawang pagsalakay sa isang drug den na nagresulta sa pagkakadakip ng limang adik, sa Purok San Isidro BRgy. Dau Mabalacat City sa Pampanga.

Sa report na tinanggap ni PRO3 PNP Dir. PBGen. Matthew Baccay kinilala ang mga nadakip na sina Cherry, 21, alyas Shane;Vergel Tuazon, 31, Eduardo Cunanan, 64 at Ramon Cunanan, 73-anyos kapwa residente sa nabanggit na siyudad.

Nakumpiska mula sa drug den ang 15 gramo ng shabu, at shabu paraphernalias.
Samantala paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 12, and 15 of Art II, RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL