DRUG DEN SINALAKAY, LIMA ARESTADO

arestado33

MAYNILA – LIMA katao ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang pagsalakay sa isang drug den sa Tondo noong Miyerkoles ng umaga.
Ayon sa PDEA Regional office-National Capital Region (RO NCR), sa bisa ng search warrant, sinalakay ang bahay ng isa sa mga suspek na si Corazon Angeles alyas “Azon,” 57-anyos, sa Capulong Street, Ba-rangay 9.
Naaresto rin ang apat pang suspek na sina Josefina Puno alyas “Ising”, 50-anyos; Julie Angeles, 49-anyos; Da­rio Monton, 43-anyos; at Regio Puno, 33-anyos.
Inilabas ang search warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 18 matapos makatanggap ng mga ulat sa umano’y pagka-kasangkot ni Angeles sa ilegal na transaksyon ng droga.
Narekober sa operas­yon ang ilang drug paraphernalias at 11 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 grams. Nagkakahalaga ang nakumpiskang ilegal na droga ng P102,000. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.