DRUG-FREE ANG CPJ SA GREYHOUND OPERATION

CAVITE – DRUG-FREE ang Cavite Provincial Jail sa isinagawang Greyhound operation o surprise inspection ng mga operatiba ng Provincial Jail Management sa pakikipagtulungan ng Trece Martires City Police Station kung saan walang nadiskubreng anumang uri ng illegal drugs at armas kaya idineklara itong drug-free kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni Jail Warden Gil Torralba, may 10 dormitory ang nasabing provincial jail na matatagpuan sa Brgy. Lapidario sa nasabing lungsod kung saan aabot sa 480 inmates kabilang ang 384 na lalaki at 96 naman babaeng inmates.

Nabatid na bandang alas-5:45 ng umaga nang magsimulang palabasin ang 480 inmates sa nasabing jail facilities bago magsagawa ng masusing inspection ang mga operatiba ng pulisya sa pangunguna ni Major John Asnan.

Walang nadiskubreng anumang uri ng illegal drugs o patalim at armas mula sa 10 dormitory kung saan nakapiit ang 480 inmates.

Kabilang naman sa nakumpiskang gamit ay ilang lighter, kaha ng sigarilyo at mga Bingo card na ginagamit ng mga ito bilang libangan.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang matapos ang Grayhound Operation kung saan wala naman untoward incident kaya nagpasalamat si Jail Warden Torralba sa mga inmate.

“Imposibleng makapasok ang contraband dahil alam ng mga inmates na mamalasin sila pag meron nakuha sa routinary inspection kung saan ay kontrolado ng mga jail guard ang nasabing facility,” pahayag ni Jail Warden Torralba. MHAR BASCO