‘DRUG’ INMATES SA ISAFP SINORPRESA NG BUCOR CHIEF

Ronald Dela Rosa

CAMP AGUINALDO – MAKARAAN ang sorpresang pagbisita sa mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP)  kamakailan, nag-surprise inspection sa Intelligence Service of the AFP (ISAFP) Detention Facility si bagong talagang Bureau of Corrections Chief,  Director Ronald Dela Rosa kahapon ng umaga.

Binisita ng dating PNP chief ang mga kulungan ng mga high-profile inmates na si-na Herbet Colangco, Robert Durano, Jerry Pipino,  Noel Martinez,  Gernan Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina at Rodolfo Magleo.

Magugunitang inilipat ang mga  nabanggit na preso sa ISAFP detention center mu-la sa NBP, bilang mga testigo sa kaso ng droga laban kay Sen. Leila De Lima.

Sinabi ni Dela Rosa na ang kanyang pagbisita ay para lang masiguro na hindi mai-pagpapatuloy ng mga high-profile inmate ang kanilang drug trade habang nasa loob ng kulungan tulad ng nangyari noon sa NBP.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Dela Rosa na hindi na makakapag-transaksyon sa droga ang mga high-profile inmate dahil bukod sa Bucor guards at SAF, ay naka-bantay rin ang mga tropa ng AFP sa nasabing kulungan. VERLIN RUIZ

 

 

Comments are closed.