MAYNILA – MALAYO na sa orihinal na mukha at pangangatawan nang iharap sa mga mamamahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Kenneth Dong na isa sa mga bigtime drug lord matapos itong maaresto sa Katuparan Village.
Mula sa dating semi-army haircut ay mahaba na at nagpakulay na rin ng buhok si Dong ng maaresto ito sa bisa ng alias warrant of arrest ng mga oper-atiba ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) .
Si Dong ay iningusong mediator/facilitator ng tinatayang 602.297 kilogram ng hinahinalang shabu at may street value na P6.4 bilyon matapos itong sa-lakayin ng NBI-AOTCD, Bureau of Custom noong Mayo 26, 2017 sa Hong Fei Logistics warehouse sa Valenzuela City.
Sinabi ni Dong na plano na umano niyang sumuko pero sinabihan siya ng kanyang pamilya na patapusin na ng Chinese New Year gayunman, bago sumapit ang pagdiriwang ay naaresto na ito. PAUL ROLDAN
Comments are closed.