PINAYAGAN ng korte ang motion para i-consolidate ang kasong sibil na isinampa ng magulang laban sa French drug maker na Sanofi Pharmaceutical Inc. at distributor nitong Zuellig Pharma Corp. kaugnay sa pagkamatay ng mga kabataan dulot ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.
Inatasan ni Branch 84 Judge Luisito Cortez sa dalawang magkahiwalay na order na pumapabor sa motion for consolidation na isinampa ng mga magulang na sina Shiela Mae Guerra at Aejay Bautista.
“In the motion for consolidation, the plaintiff alleged, among others, that the instant complaint arose from the same series of events, involves identical issues in the Regional Trial Court of Quezon City, Branch 226. In addition, the consolidation for trial of the instant case of similar nature arising from the same series of events and to be proven by substantially the same evidence, a situation that is inimical to the orderly administration of justice,” nakasaad sa isang order.
Habang kinatigan din ni Branch 104 Judge Catherine Manondon ang naturang motions for consolidation na isinampa ni Trishanne Casona at ng iba pa, Vicente Arugay, et al.; Kianah Mae Racuya, et al., at Christine Mae de Guzman, et al. sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office.
Ganun din sa Branch 215 ni Judge Rafael Hipolito na nag-aatas na mai-transfer ang civil complaints na isinampa ng mga kamag-anak na sina Gilliane Rosal Vasquez, et al., at Micaella Kayla Mainit, et al. sa Branch 226.
Pinayagan din ni Branch 100 Judge Editha Mina Aguba ang consolidation ng kaso gayundin ni Judge Madonna Echiverri ng Branch 81.
Matatandaang nitong Mayo, sa sala ni Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr. nang ma-deny ang mosyon ng Sanofi at Zuellig para maibasura ang kanilang mga civil case na isinampa ng mga naghahabol na kamag-anak.
“Hypothetically admitting the mentioned allegations together with other facts alleged in the complaint, the court may render a judgment upon the same,” nakasaad sa order. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.