CAMP CRAME– HINDI sinasang-ayunan ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa na sumama si Vice President Leni Robredo sa mga anti-drug operation.
Ayon kay Gamboa, na magiging delikado ito para sa Vice President at hindi advisable.
Maski aniya mga heneral ay hindi sumasama sa mga anti-drug operation, ngunit ito naman aniya ay dahil dumaan na sila rito bilang mga junior officer.
Mas mabuti na lang aniya na mag-concentrate ang VP sa advocacy at rehabilitasyon.
Ngunit welcome naman aniya ang VP kung gusto niyang pag-aralan ang law enforcement aspect ng drug war kung saan nakatutok ang PNP.
Gagawin naman aniya ng PNP ang lahat para matulungan ang VP na maunawaan ang law enforcement side ng anti-drug campaign na madali para sa kanya at hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay.
REA SARMIENTO
Comments are closed.