DRUG PERSONALITIES HULI SA SACLEO

SHABU-5

NAVOTAS CITY –APAT na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang babae ang naaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na anti-drug operation sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Unit kasama ang PCP-2 sa pa­ngunguna ni Navotas police chief Sr. Supt. Brent Madjaco sa A. Mariano St. Brgy. Tangos.

Inaresto si alyas “Tamol” at Lordes Capulong alyas “Des”, 39, kapwa ng Brgy. Tangos matapos maaktuhang nag-aabutan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Alas-4:05 naman ng mada­ling araw nang masakote ng mga operatiba ng SDEU matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahala-ga ng P300 kay PO1 Don Mark Torres na umaktong buyer sa V. Cruz St. Brgy. Tangos si Jay-R Feliciano alyas “Tuklaw”, 33, habang nakuhanan din ng hinihinalang shabu si alyas  “Matt,” 18.  EVELYN GARCIA

2 thoughts on “DRUG PERSONALITIES HULI SA SACLEO”

  1. You can definitely see your enthusiasm in the work you write. The arena hopes for even more passionate writers such as you who are not afraid to mention how they believe. All the time follow your heart.

Comments are closed.