QUEZON – DEAD on the spot ang isang pinaghihinalaang drug personality nang nakipagbarilan sa isinagawang counter illegal drug operation ng pulisya sa Lucena City.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, patay sa shootout si Michael Golvin, 30-anyos.
Biglang bumunot ng baril si Golvin matapos arestuhin ng mga pulis sa buy bust operation sa Purok 7, Sta. Teresa, Brgy. Dalahican.
Dahil naunang pinaputukan ang mga pulis ay napilitan umanong gumanti ang awtoridad na nagresulta sa kamatayan ng suspek.
Nakuha mula kay Golvin ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P2,000 halaga ng ilegal na droga. VERLIN RUIZ
Comments are closed.