TARLAC – HINDI na nagawang makatakas ng isang lalaki na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Barbara sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito.
Sa report na ipinadala nina P/chief Inspector Sonny S. Silva at P/Supt. Luis M. Ventura Jr. kay PNP Region-3 Director P/Chief Supt.Joel Napoleon Coronel kinilala ang nadakip na si alyas “Bornok” residente ng Brgy. San Nicolas.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Julius S. Apolonio, ganap na alas-4:30 ng madaling araw ng kumagat sa buy bust ng awtoridad laban sa suspek.
Ayon kay PO3 Joseph Fernandez, PO1 Quijano at PO1 Saptang, isa sa kanila ang nagpanggap na buyer na naging dahilan ng pagkakadakip ng suspek.
Nabatid na si alyas “Bornok”ay kabilang sa drug watchlist na una nang sumailalim sa bahay pagbabago ng Project Tokhang sa kanilang bayan subalit muling bumalik sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Nakuha mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu kung saan kinumpirma ni Brgy-Chairman Valentin Guieb ang pagka-kasangkot sa drug trade. THONY ARCENAL
Comments are closed.