BULACAN- ISANG drug pusher ang napatay nang mas piliing lumaban nang sabayan kaysa mahuli sa buy-bust operation ng Bulacan Provincial Intellience Unit (PIU) at Plaridel Police sa Barangay Lumang-Bayan, Plaridel kahapon ng madaling araw.
Base sa report ni P/Major Jansky Andrew S. Jaafar, Provincial Chief ng Bulacan PIU, kay P/Col.Lawrence Cajie, Bulacan police director, nakilala lamang sa alyas Alex ang napatay na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan nang manlaban habang nakatakas ang kasamahan nito lulan ng motorsiklo.
Ayon kina P/Cpl. Resty Delima at P/Cpl. Michael Manson, arresting at inventory officer, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magkasa ang kanilang yunit na Bulacan PIU katuwang ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel police ng buy-bust operation sa Barangay Lumang Bayan, Plaridel at kanilang target ang tulak na si alyas Alex na dumating sa lugar angkas ng isang motorsiklo.
Nabatid na makaraan ang buy-bust operation ay nakatunog ang suspek na si Alex na undercover police ang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad na naging dahilan ng engkuwentro at mapatay ang suspek habang nakatakas ang kasama nitong rider.
Nakarekober ang awtoridad ng 17 pakete ng shabu, isang caliber 38 revolver at anim na bala gayundin ang buy-bust money. MARIVIC RAGUDOS
139162 178963Actually your creative writing abilities has encouraged me to get my own site now. Really the blogging is spreading its wings quickly. Your write up is a great example of it. 167309