TARLAC – SUGATAN sa bala ng baril ang tulak ng droga makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng drug enforcement unit sa Sitio Ligaya, Brgy. Santiago habang arestado ang isang tanod na kabilang sa high-value target ng pulisya sa bayan ng Concepcion.
Sa report na ipinadala ni Supt. Augusto Pena Pasamonte kay PNP Provincial Director Sr. Supt. Richie Posadas, kinilala ang nadakip na suspek na si Jesus Erese y Cabilin, 46-anyos, ng Brgy. Alfonso at ang sugatan na si alyas Arnel Mamaril ng Brgy. San Roque, Tarlac City.
Nadakip ang tanod sa pamamagitan ng buy bust operation makaraang magpanggap na buyer ang isa sa awtoridad habang nakipagbarilan naman si Mamaril.
Nabatid na kabilang sa high-value target ng PNP ang naturang tanod na matagal nang under surveil-lance ng awtoridad. THONY ARCENAL
Comments are closed.