DRUG PUSHER TIMBUWANG, 10 PA NADAKIP SA PNP DRUG OPS

patay

BULACAN – ISANG drug pusher ang napatay habang 10 pa ang nadakip sa iba’t ibang anti-illegal drugs operations na isinagawa ng Bulacan-PNP mula noong Agosto 4 hanggang kahapon (Agosto 6) ng umaga sa lalawigan.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan-PNP, napatay nang manlaban sa mga awtoridad si Christopher Cristobal, nasa hustong gulang, at kabilang sa drugs watchlist ng Pulilan Municipal Police Station (MPS).

Nabatid sa ulat ni PLt. Col. Gil Domingo, acting chief ng Pulilan Police, nagpaputok si Cristobal sa mga ahente ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pulilan Police makaraan ang tansaksiyon sa bilihan ng shabu sa Barangay Lumbac, Pulilan, Bulacan dakong alas-10:25 ng gabi nitong Agosto 4 kaya gumanti ang mga pulis at napatay ang suspek.

Nakumpiska kay Cristobal ang 13 sachets ng shabu, isang kalibre .38 revolver at buy bust money.

Nadakip naman sa drug buy bust operations sa Pulilan, Bocaue at Marilao, Bulacan ang mga hinihinalang tulak ng shabu na sina Mark Dennis Serrano y San Pedro, 30; John Carlo Salvador y Estrera, 23; Analyn Velasco y Indon, 39; Jonathan Velasco y Indon, 37; Mark Jayson Velasco y Romarate, 37; Arnold Joson y Legacion alyas Kabog, 20; Emilito Binag Albano, 44;  Eliodoro Reyes Perucho Jr, 39; Van Hussel Bautista Retana, 45; at Eula Rampas San Gabriel, 34.

Nakumpiska sa mga suspek ang 22 plastic sachets ng shabu, buy bust money at iba’t ibang drug paraphernalia, at kinasuhan na sila sa Camp Alejo Santos sa Malolos City. A. BORLONGAN

Comments are closed.