DRUG PUSHER TUMBA, 11 PA HULI SA DRUG WAR

drug pusher

BULACAN – ISANG shabu pusher na nasa drug watchlist ng Plaridel Police Station ang napatay nang makatunog at manlaban habang 11 iba pa ang natimbog sa pinatinding drug war o kilala sa tawag na project double barrer reloaded sa Plaridel at iba pang bahagi ng nasabing lalawigan kahapon ng madaling araw.

Base sa report kay P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nakilala ang napatay na drug peddler na si alyas Unta, tricycle driver, tubong Malolos City at nasa drug watchlist ng Plaridel police na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan na ikinasawi nito matapos manlaban sa awtoridad.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon nang magkasa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel police sa overall supervision ni P/Lt.Col.Victorino Valdez, Plaridel police chief, sa Barangay Lalangan, Plaridel ngunit nakatunog ang suspek na undercover agent ang katransaksiyon kaya bumunot ng baril at  nanlaban kaya napatay sa palitan ng putok.

Narekober sa napatay na tulak ang 20 pakete ng shabu, isang caliber 38 revolver na kargado pa ng tatlong bala

Isang  tricycle na may plate number 3975 RU at may body number UCATODA na may ruta sa Barangay Caniogan, Malolos City at ginagamit ng napaslang na tulak sa kanyang pagtutulak ng ilegal na droga at buy bust money.

Samantala, huli rin ang 11 katao sa San Ildefonso, San Jose del Monte City at Bustos na umano’y sangkot sa droga. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.