CEBU CITY-SWAK sa selda ang tinaguriang “drug queen” matapos mahulihan ng P2.7M na halaga ng hinihinalang shabu sa illegal drug operation sa Sitio Pagatpat Brgy. Mambaling.
Kinilala ang naaresto na si Estrella Villanueva alyas Ester, 39, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Duljo Fatima nitong lungsod.
Naaresto rin ang kapitbahay ni Villanueva na si Bernabe Ragusta, alyas Dondoy, 35 anyos.
Nakumpiska naman mula kay Ragusta 405 na gramo ng hinihinalang shabu.
Dati nang nakakulong si Villanueva ng 12 taon sa Central Luzon.
Kasalukuyang nakakulong sa Mambaling police station ang dalawang drug suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang dalawa ay nasa kustodiya ng Malolos Police Station at nahaharap sa kasong Alarm and Scandal at paglabag sa RA 10591.