“ALAM ko sa pagdodroga, ‘la talagang magandang papuntahan ‘yan. Ang tanga ko nga dahil tumikim pa ako, nalulong tuloy. Pero para sa kin, hindi pa huli para tumigil sa pagdodroga. Minsan kasi kailangan pa natin masaktan para makaintindi. Pasalamat nga ako sa TESDA, nabigyan ako ng oportunidad para makatrabaho.”
Ito ang tila may himig pagsisi ni Joel P. Maniwang, 25-anyos, drug surrenderee, at may-asawa, ng Dinas, Sinacaban Ozamis Occidental na kumuha ng skills training sa SMAW NC ll sa TESDA Misamis Occidental at ngayon ay isa nang certified welder at empleyado sa OZAMCO (Ozamis Manufacturing Corporation) sa Ozamis City bilang Build-upper, welder.
Siya’y matagumpay na pumasa sa National Competency Assessment noong Pebrero 04, 2017.
“Ang saya ko nang matanggap ko ang certificate SMAW NC ll, pagkatapos ng OJT hired agad,” masayang paglalahad ni Joel.
Ang plano niya ngayon ay makapagtrabaho sa ibang bansa kaya puspusan na niyang inaasikaso ang mga requirements. “Japan ang gusto ko sanang aplayan o kahit saan sa abroad basta makapagpaaral ako sa mga anak ko sa kolehiyo.
Taong 1995, third year high school siya noon nang maimpluwensiyahan siya ng mga barkada at dahil na rin sa curiosity, sinubukan niyang gumamit ng shabu at marijuana hanggang sa nalulong na siya.
Dahil sa nasabing bisyo, hindi na niya natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
“Nang malaman ng mga magulang ko ang masamang bisyo, siyempre galit, pinatigil ako sa pag-aaral. Sayang nga kasi 2nd year college (Computer Science) na ako noon sa ICC-La Salle University Ozamiz City), panghihinayang na pagbabalik-tanaw ni Joel.
Nang matigil sa pag-aaral, nagtrabaho siya bilang laborer at naging job order din sa LGU ng Sinacaban bilang plumber, pero ang kanyang trabaho ay bilang kaminero sa loob ng limang taon.
Taong 2002, nang tuluyang tinalikuran ni Joel ang kanyang masamang bisyo, nang magkaroon na siya nang pamilya at nakikita nitong lumalaki na ang kanyang mga anak.
Hanggang sa hinikayat siya ng kanyang dating titser na kumuha nang inaalok na Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC ll ng TESDA sa kanilang munsipyo.
Isa si Joel sa mga beneficiaries ng skills training sa SMAW NC ll na inialok ng SAVELIFE Program ng LGU of Sinacaban at TESDA Misamis Occidental para sa binuong programa para sa Drug Dependent surrenderers ng Municipality of Sinacaban.
Labis ang pasasalamat ni Joel sa scholarship grant at sa SAVELIFE Program ng LGU of Sinacaban para sa pagligtas sa kanyang buhay at pagbibigay ng pagkakataon sa kanya upang maging responsableng ama at mapagmahal na asawa sa kanyang pamilya.
“Without this welding I cannot land a job with pretty much salary that can afford to send my four kids to school,” ani Joel.
“Sana marami pang mabigyan ng pagkakaton ang TESDA hindi lang po drug surrenderees, pati po sa mga less fortunate na kabataan, basta gusto mag-aral, matulungan po ninyo,” dagdag pa ni Joel.
Comments are closed.