DRUG SUSPECT KUMASA SA PARAK, TUMBA

nanlaban

MALABON CITY – PATAY ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa naganap na buy bust ope­ration.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek sa alyas Ryan na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Col. Tamayao, matapos ang surveillance operation ng mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU), agad nagkasa ang mga ito ng buy bust operation kontra sa suspek bandang alas-4:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Governor Pascual St., Brgy. Catmon.

Nagawang makapag-transaksiyon ni Pat. Benedict Señores na umaktong buyer sa suspek ng isang pack ng shabu, subalit nakatunog si Ryan na parak ang kanyang ka-deal kaya naglabas ito ng baril at pinutukan ang pulis sa dibdib na nailigtas naman ng kanyang suot na bullet proof vest.

Kaagad namang gumanti ng putok ang back-up na mga ope­ratiba hanggang sa tamaan ang suspek sa katawan na isinugod sa naturang pagamutan.

Sinabi ni Malabon police homicide investigator P/SSgt. Ernie Baroy, narekober ng SOCO sa nasawi ang cal. 9mm revolver na kargado ng tatlong bala at dalawang basyo ng bala at isang sling bag na naglalaman ng walong plastic sachets ng shabu at P420 cash. EVELYN GARCIA

Comments are closed.