SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang mga panawagang sumailalim sa drug-testing ang mga opisyal ng barangay.
Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Brig. General Redrico Maranan na magpapakita ito ng magandang halimbawa sa publiko kung mapatunayan ng mga opisyal ng barangay hindi sila mga adik.
Kaugnay nito, sinabi ni Maranan na pinaigting ng PNP ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga opisyal ng barangay na posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sinabi ni Maranan na Ito’y para mapataas ang “public awareness” sa mga kandidatong sangkot sa ilegal na gawain.
Aniya, bahagi ito ng mga hakbang para matiyak ang malinis at maayos na pagpapatupad ng Baranggay at Sangunian Kabataan Elections sa Oktubre 30. EUNICE CELARIO