DRUG TEST SA MGA KANDIDATO GAWING VOLUNTARY-PALASYO

DRUG TEST-3

BOLUNTARYO dapat na magpa-drug test ang mga kandidato para sa halalan sa Mayo 2019.

Ayon kay  Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang panindigan  ng Malacañang makaraang umugong ang ulat na nais ng  Philippine Drug Enforcement Agency   na magsagawa ng  surprise random drug testing sa mga kandidato.

Sinabi ni Panelo na magkukusa naman  ang mga tatakbo na ipasailalim sa drug testing ang kanilang sarili kaya’t hindi na dapat puwersahin pa ang mga ito.

Una nang sinabi ng PDEA ang pagsasagawa ng surprise drug test para hindi makapag­handa ang mga kandidato at nang malaman ng publiko kung sila ay gumagamit ng ilegal na droga, subalit kagabi ay kumambiyo ang ahensiya.

Inihayag ni  PDEA Director Aaron Aquino na wala na siyang planong ituloy ang ideya.

Taong 2008 nang ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Sec. 36 ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang probisyon ay nagtatakda ng mandatory drug tests sa lahat ng kandidato para sa government posts at sa mga nahaharap sa kasong kriminal.

Comments are closed.