QUEZON- PABOR ang Liga ng Barangay ( LNB) na ipa- drug test ang mga tatakbong barangay official sa darating ng BSKE sa lalawigang ito.
Tugon ito ni Ireneo Boongaling, LNB Quezon Province chapter sa hamon ng Department of Interior and Local Government (DILG).
“Paano kung ang isang kandidato ng barangay chairman,barangay kagawad, sk chairman at sk kagawad ay involve sa nasabing iligal na droga at positive sa drugs test tapos sila ang mga mananalo, mukhang nakakalungkot, hindi katanggap tanggap at masakit sa ating mga taong kabarangay na bumoto sa kanila,” ani Boongaling.
Aniya, may batas man umano o wala, mahalagang alam ng mga mamamayan kung ang isang kandidato ay hindi sangkot sa drugs at negatibo sa drug test upang maging karapat-dapat sa kanilang posisyon at makakatulong ang mga ito sa mga awtoridad sa pagsugpo ng iligal na droga sa kanilang mga nasasakupang barangay.
BONG RIVERA