NEGATIBO ang naging resulta sa random drug testing sa mga tauhan ng 21 major airports sa buong bansa.
Ayon sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), umaabot sa 2,635 ang kanilang tauhan na sumalang sa drug test ng ahensiya at walang ni isa sa kanilang empleyado ang gumagamit sa ipinagbabawal na gamot.
Isinagawa ang drug testing bilang pagsunod sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte kaugnay sa kanyang anti-drug campaign upang masawata ang pagkalat ng illegal drugs sa buong bansa.
Nabatid na ang random drug testing ay ginagawa ng CAAP taon-taon sa ilalim ng Republic Act 9165 o tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kautusan ng Civil Service Commission’s (CSC) memorandum circular 13 (series of 2010).
Maliban sa CAAP personnel, isinalang din sa drug testing ang mga on-duty aircrew ng Philippine Air-lines, PAL Express, Cebu Pacific, at Air Asia na nagtatrabaho sa 21 airports. FROI MORALLOS
Comments are closed.