CAVITE – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang drug trader makaraang makumpiskahan ng P4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. San Jose, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling araw.
Isinailalim na sa tactical interrogation ni P/Supt. Alvin Ruby Consolacion, hepe ng Dasmariñas City PNP, ang suspek na si Bokhari Hajisaman Japandi, alias Bilog, 24, ng Block 1 Lot 62 Satellite Homes 2 sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, ilang linggong isinailalim sa surveillance ang suspek bago isagawa ang buy bust operation ng pulisya katuwang ang PDEA 4A bandang alauna ng madaling araw.
Nasamsam sa suspek ang anim na plastic sachets ng shabu (660 grams) at may street value na P4,488,000.00, digital weighing scale at ang buy bust marked money na P5,000. MHAR BASCO
Comments are closed.