TINAMAAN kayo ng lintik, ano ang akala nyo, mga ismagler, kaya nyong magpalusot sa magagaling na operatiba ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), belat sa inyo!
E, kaytatalas ng mga mata ng BOC-NAIA, at ng tropang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), hayan huli kayo.
Kaya kayong mga drug trafficker, magbago na kayo, kasi hindi kayo tatantanan ng mga tao ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio!
Tinutukoy natin ang pagkahuli ng tropa sa PhP68 milllion worth of Ecstasy at ang pagkadakip at pagsasampa ng mabibigat na kaso laban sa apat na ismagler.
Ang ilegal na droga ay itinago ng mga buwiset sa apat na kahon ng “dog food”, ang talas ng kamera ng Xray Inspection Project (XIP) kaya agad na-detect ng Customs Examiner ang kontrabando na galing pa sa The Netherlands.
May laman na 13,989.56 grams, (katumbas ng ito 40,389 tablets of Methylenedioxymethamphetamine na mas kilala sa tawag na Ecstasy na kung naisalya, titipak ang mga ismagler ng mahigit sa PhP68,661,300 milyon.
Maraming salamat sa matapat nyong trabaho, mga bossing NAIA District Collector Atty. Yasmin O. Mapa na laging nasa isip ang utos ni Comm. Rubio na patuloy na maging alerto, masigasig sa pagbabantay sa mga tiwaling negosyante at mga kasapakat nila nagpapasok ng ilegal na droga sa bansa.
Ngayon, sasakit ang ulo ng apat na claimants ng ilegal na droga, kasi nakademanda na sila sa mga kasong paglabag sa RA 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act, at RA 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Mga inareso ay sina: (1) Robert Trebi Simon y Dela Rosa, 32-anyos, binata at residente ng 530 Brgy. Bagong Sikat, Cabanatuan City, Nueva Ecija; (2). Mark Bryan Gamba y Gamo (Barangay Kagawad, Brgy. 74, Manila), may-asawa, 43, ng 1585 Sta. Maria St. Tondo, Manila; (3). Fabio Dalvanos y Escobar, 36, ng Orchid St. Bernabe Subdivision Phase 2, Parañaque City; (4) Sherill Gamba y Monte, may-asawa, 46 ng 1585 Sta. Maria St. Tondo, Manila.
At ang consignee ng kuno ay “Dog Food, Kitten Food” na si R. Trebie Simon ng 530 Brgy. Bagong Sikat, Purok 7, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ang di nakalusot na pakete ng ilegal na droga ay isinelyo sa plastic bag na may label na “Bonzo” na nakitang may laman na humigit-kumulang na 30, 142 piraso ng tabletang Ecstacy na may drug value na Php 51,241,400.00.
At ang isa pang puting Plastic Bag na may tatak na “Senior” na may dalawang (2) vacuum sealed transparent plastic bag na ito ay nakitang may laman na humigit-kumulang na s 10,064 na piraso ng tabletang Ecstacy na nagkakahalaga ng Php 17,108,800.00.
Nasa pangangalaga ngayon ng PDEA ang mga kinumpiskang droga na matibay na ebidensiya laman sa mga suspek na ismagler.
Congratulations sa inyong matapat na trabaho, at sa pagkakumpiska ng tropa ng BOC-NAIA, PDEA at ng ADITG, maraming kabataan ang maililigtas sa pagkasugapa at maililigtas ang bansa sa talamak na paggamit ng bawal na gamot.
Ipagpatuloy nyo po ang pagsupil sa salot ng lipunan, at hindi kami makalilimot na saluduhan ang inyong katapatan sa tungkulin, lalo na ang tropa ni Coll. Mapa at ang ating guardian ng bansa laban sa ilegal na droga, ang :PDEA at ng ADITG, mabuhay kayo.
o0o
Ang kontra ismagling ay pampasigla sa legal na negosyo sa bansa.
Opo, dahil sa mahusay na trabaho ng Customs Intelligence ang Investigation Service ng MICP sa pamumuno ni Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner, Juvymax Uy ay nakakumpiska ito ng Php791-M worth of illicit cigarettes and vape products nitong nakaraang Linggo.
Aba, may nagkomento, e talaga namang ‘yan ang trabaho ng Bureau of Customs, e ano ang bago?
Totoo, hindi na bago ang balitang ito — pag nakasasabat ng mga bawal na produktong tulad ng 4,215 master cases of cigarettes at 1,053 master cases of heat sticks, bumubuti ang kalakalan sa bansa natin.
Kapag vigilant ang CIIS-MICP sa paghuli ng mga ismagler ang nangyayari ay naililigtas ng Customs ang mga kababayan sa paggamit ng mga produktong Pilipinong maglalagay sa panganib sa kanilang buhay.
Nababawasan pa sa merkado ang mga ilegal na kalakal, at ano ang resulta — tumataas ang kita ng mga legal na negosyante, nakapagbabayad ng tamang buwis at lumalaki ang income ng gobyerno.
Isa pang mabuting bunga ng masipag na kampanya laban sa mga ismagler, naparurusahan sila sa mga paglabag sa ating batas, tulad ng R.A. 11900 o mas kilala sa tawag na “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022” na ang DTI ang nagpapatupad nito, kasama ang Administrative Order No. 22-16 series of 2022, at RA 10643 o “The Graphic Health Warnings Law of 2014.”
Kaya, hindi biro ang kabutihang dala sa atin ng mahusay na trabaho ng MICP sa liderato ni District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan, ito ay patunay rin sa mahusay na kooperasyon ng mga opisyal at tao ng Customs sa mga direktiba ni Comm. Bien Rubio, at ito nga ay lalo pang pag-ibayuhin, pasiglahin ang kampanya laban sa mga economic saboteurs, at ang aktibong pag-uusig sa mga kriminal at mga kasabwat na nais na wasakin ang ating ekonomya.
Tama ngang purihin si Coll. Talusan at ang kanyang mga tao sa MICP sa pagtupad ng mandatong pangalagaan ang ating bansa laban sa mga nais na magpuslit ng mga kontrabando.
Hindi nagkamali si Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagpili kay Comm. Rubio na pamunuan ang BOC, ngayon na masigasig ang kawanihan laban sa mga nais na sirain ang ekonomya ng ating bansa.
Sa paghuli sa mga kontrabando, nakokontrol ng Customs ang ilegal na kalakalan at ito ay nagbibigay ng lakas sa mga legal na negosyo sa Pilipinas na kumita nang maayos at makapagbenta ng mga produktong naaayon sa istandard ng kalusugan, husay at siyempre ng dagdag na taripa, buwis na nagpapalakas sa pananalapi ng ating bansa.
Dahil sa masiglang trabaho at seryosong pagtupad sa tungkulin ng BOC sa utos ni PBBM, naipakikita ni Comm. Rubio ang patuloy na tiwala sa gobyerno at pagpapalakas sa mga programang magsusustento sa serbisyong publiko tulad ng edukasyon, kalusugan, impraestruktura at iba pa.
Higit sa lahat, tumataas ang moral at kumpiyansa ng taong gobyerno, tulad ng mga tao sa Customs at ito ay mahalaga sa pagpapatuloy ng reporma at kasiglahan ng negosyo at ekonomya ng Pilipinas.
Congrats, at mabuhay po kayo riyan sa Customs!
o0o
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].