DRUG WAR PROBE NG DAYUHAN ‘DI KAILANGAN – PNP

drug war

CAMP CRAME – HINDI payag ang Philippine National Police (PNP) sa gusto ng 28 bansa na dumulog  sa United Nations Human Rights Council (UNHRC)  na imbestigahan ang drug war sa bansa.

Kasunod na rin ito ng mga isyu ng paglabag sa human rights dahil sa mga kaso ng nanlaban sa police ope­rations.

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, PNP spokesperson, “unnecessary” o hindi na kailangan pa ng ibang bansa para imbestigahan ang local crime incidents sa Filipinas.

Siniguro ng opis­yal na gumagana ang criminal justice system at anumang kuwestiyon sa legalidad ng operasyon ay nasasagot sa pormal na proseso.

Subalit, ayon kay  Banac, na ang mga isyu na may kinalaman sa diplomatic policy ay para sa executive department at susunod lang sila sa kung ano ang ipag-uutos ng Pangulo. REA SARMIENTO

Comments are closed.