NABABAHALA na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa bansa sa balak ng
pulisya na ipasok sa mga Higher Educational Institution ang giyera sa droga, partikular ang
pagsasagawa ng drug testing sa susunod na taon.
Kinondena ni Vennel Chenfoo, national coordinator ng Kabataan group Northern Mindanao ang plano ng PNP, na pinahintulutan pa ng Commission on Higher Education (CHED) lalo na at inaasahan ang pagiging madugo katulad nang nagaganap sa kanilang komunidad.
Ayon kay Chenfoo, sa halip na magbigay ng libre at mataas na kalidad na edukasyon para sa mga kabataan ay mistulang bulag si CHED Commissioner Popoy de Vera sa mga awtoridad gaya ng ginawa ng PNP at Armed Forces sa paglalagay ng red tag sa mga aktibista at kanilang mga organisasyon.
Para naman sa League of Filipino Students (LFS), mistulang ginigipit at pinag-iinitan ang mga aktibistang estudyante dahil kahit may batas na para sa libreng edukasyon ay patuloy pa rin ang paniningil ng matrikula ng state universities.
“Dapat pagtuunan ng pansin ng CHED ay ang pagtutok sa implementasyon ng Free Education sa halip na ilegal na droga dahil trabaho ito ng PNP,” pahayag ng Youth Organization.
NENET VILLAFANIA
Comments are closed.