PATULOY na gumagawa ng hakbang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang ibsan ang usad pagong na trapiko sa EDSA.
Kabilang dito ang pagpapalawig sa dry run sa driver only car ban policy sa EDSA.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ito ang naging desisyon sa pulong ng Metro Manila Council.
Aniya, long term solution ang kailangan para sa matinding traffic sa Metro Manila at kabilang rito ay mga infrastructure project ng pamahalaan subalit aabutin pa ng tatlo hanggang apat na taon ang mga ito bago matapos.
Habang hinihintay, sinabi ni Garcia na kailangang gumawa ng mga paraan ng MMDA para kahit paano ay maibsan ang traffic.
Dagdag pa ni Garcia, tataasan din nila ang multa sa illegal parking at gagawin itong P4,000.
Sa panig naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sinabi nitong tataasan din nila ng hanggang P1,000 o higit pa ang multa sa mga bus na la-labas ng yellow lane.
Sa ilalim ng MMDA law, binibigyang kapangyarihan ang MMC na lumikha ng mga polisiya at programa para matugunan ang traffic. EUNICE C.
Comments are closed.