ISANG dry-run para sa traffic scheme ang isasagawa sa Agosto 29 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi para sa mga motorista na papunta at galing sa Cavitex mula sa Centennial Road at pabalik bilang paghahanda para sa itatayong CAVITEX-CALAX link.
Ang sumusunod ay ang Cavitex motorists advisory:
· Magkakaroon ng One-lane closure parehong direksyon ng Centennial Road (Alessandra Building hanggang Power Megamix Batching Inc.)
· Two-lane closure sa Cavite Bound at isang counterflow lane sa Manila Bound mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi (Zeus Intersection patungo sa CAVITEX Entry)
Ang mga Class 1 na sasakyan na papunta at pabalik ng CAVITEX ay pinapayuhang dumaan sa Tirona Highway o Medicion II St. at para sa mga Class 2 at Class 3 na sasakyan, manatili sa Centennial Road.
Kaugnay nito, humihingi ang CAVITEX ng pag-unawa sa mga motoristang dumadaan dito.
RUBEN FUENTES