DRY RUN  SA CLOSURE NG PROVINCIAL BUS TERMINALS SA EDSA

bus terminal

NILINAW  ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) na mag­sasagawa muna sila ng dry-run bago tuluyang hilingin sa mga local government unit (LGU) na ikansela na ang business permit ng mga provincial bus terminal sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, susubukan muna nila kung magiging epektibo ang naturang hakbang at upang malaman kung ano ang mga lilitaw na problema kaugnay rito.

Nasa halos 50 provincial bus terminals sa EDSA ang maituturing na dahilan ng  mas mabigat na daloy ng trapiko sa naturang kalsada.

Idinadaing din ni Garcia ang ginawang pamimihasa ng mga bus operator sa mga pasahero na pinapayagang bumaba sa bahagi ng West Ave­nue, Cubao, Ortigas at Ayala na mga lugar na hindi pinapayagang ga­wing babaan sa ilalim ng kanilang franchise.

Paliwanag ni Garcia, point to point lang talaga ang prangkisa ng  provincial buses mula sa pinanggalingang probinsya hanggang sa kanilang terminal lamang.

Nakatakdang isagawa ang dry run para rito pagkatapos ng Holy Week at inaasahang ipatupad ang  terminal closure sa Hun­yo. KIMBERLIE MONTANO-DWIZ882

Comments are closed.