Itinakda sa Enero 11 hanggang 23 sa susunod na taon ang dry run para sa face-to-face classes sa mga low risk areas o may mababang kaso ng hawaan sa COVID-19.
Ito ang inanunsiyo ng Malakanyang matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng Department of Education hinggil dito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahigpit na i-mo-monitor ng DepEd at COVID-19 National Task Force ang naturang dry run.
Sinabi ni Roque, itinakda naman sa huling linggo ng Enero ang deadline sa pagsusumite ng DepEd kay Pangulong Duterte ng reports hinggil sa kinalabasan ng dry run sa face-to-face classes.
Dito aniya ibabatay ang magiging pinal na rekomendasyon o pagpapasiya ng Pangulo sa usapin ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Iginiit naman ni Roque na boluntaryo lamang at kinakailangan ng permiso mula sa mga magulang ang pagdalo ng mga estudyante sa face-to-face classes. DWIZ882
Comments are closed.