DRY RUN SA OPENING NG BORA AARANGKADA

BORACAY

AARANGKADA  na ngayon  ang dry run  sa pagbubukas ng isla ng Boracay.

Prayoridad sa dry run ng pagbubukas ng isla ang mga residente  sa paligid nito, ang mga Aklanon.

May 68 resorts at hotels ang pinahintulutan  ng Boracay Inter-agency Task Force na makapag-operate.

Ininspeksiyon na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga compliant establishment para ma-assess ang kanilang water treatment facilities.

Nagbabala naman  ang Department  of Tourism (DOT) sa mga hotel at resort na huwag munang tumanggap ng mga booking hanggang hindi pa kompleto ang kanilang mga requirement.

Ang dry run ay magtatagal hanggang sa Oktubre 25.

Sa pamamagitan ng dry run ay magkakaroon ang DENR ng pagkakataon na subukan  ang mga pasilidad sa isla at magkaroon ng pagkakataon para mapabuti  pa ang mga ito bago ang pormal na pagbubukas ng isla.

Imo-monitor din ang pagpasok ng mga tao at ang paglimita sa mga turistang magtutungo rito.

Ayon sa DENR, isang bagong Boracay ang makikita ng mga turista matapos ang anim na buwang rehabilitasyon nito.    NENET VILLAFANIA

One thought on “DRY RUN SA OPENING NG BORA AARANGKADA”

Comments are closed.