NAGPADALA ang Local Government Unit ng lalawigan ng Masbate sa pamumuno ni Governor Antonio T. Kho ng karagdagang tulong sa mga apektadong komunidad sa mainland Bicol bilang tugon sa matinding pinsalang dulot ng TS ‘Kristine’ sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio.
Kabilang sa ipinadalang mga kagamitan ang apat na bangkang sagwan, tatlong yunit ng water desalination upang masiguro ang malinis at maiinom na tubig, tatlong pickup truck, dalawang L300 van, life jackets at rescue teams mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Masbate.
Sa kasalukuyan ay dumating na sa Lungsod ng Naga ang mga kagamitan at mga tauhan ng PDDRMO na kasalukuyang tumutulong sa mga relief at recovery operations kasama ang apat na trak na may kargang 5,000 family food packs mula sa bodega ng DSWD sa Masbate patungo sa bodega sa Albay para sa karagdagang tulong nito.
RUBEN FUENTES