DSWD, BFAR TUTULONG SA MAGBUBUKID AT MANGINGISDANG APEKTADO NG DRY SPELL

FISHERMAN AND FARMERS

SINIGURO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tulong sa mga magsasaka na apektado ng dry spell sa Davao Region.

Napag-alamang umaabot na ngayon sa P1.5 bil­yon ang naitalang pinsala sa mga pananim dahil sa nararanasang El Niño phe-nomenon.

Ayon kay Mercedita Jabagat, regional director ng DSWD Region 11, nakapagbigay na sila ng inisyal na tulong sa mga apektadong magsasaka sa Davao Orien­tal.

Tiniyak din nitong magbibibay sila ng assistance sa mga katabing lalawigan na apektado ng dry spell.

Pagsisiguro naman ng BFAR-Region 11 na bibigyan nila ng tulong ang mga fish cage operator na apektado rin ng matinding in-it ng panahon.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.