DSWD, KAILANGAN NG VOLUNTEERS PARA SA OPERATIONS CENTER KAY ‘CARINA’

NAGHAHANAP  ngayon ang Department of Social Welfare and Development ng volunteers na tutulong para sa repacking ng mga family food packs na ipadadala sa mga apektado ng Habagat at Bagyong Carina.

Ayon sa DSWD, idedeploy ang volunteers sa repacking center nito sa DSWD-National Resource Operations Center, Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.

Para sa mga interesadong indibidwal o grupong nais maglaan ng kanilang oras, tumatanggap ang DSWD ng volunteers. Kailangan lamang na magrehistro sa: https://forms.gle/ovhujcntyvj9guxj9

Makipagugnayan din kay Shara Lee at [email protected] or 09260612646.

Sa araw ng pagpunta sa repacking center, pinapayuhan ang volunteers na magsuot ng kumportable damit, closed toe shoes at water bottle container.

Una nang sinabi ng DSWD na may nakalaan itong P2.5-B ang relief resources kabilang ang stockpile at standby funds para umagapay sa mga nasalanta ng bagyong Carina.