NAMIGAY ng mga kagamitang heavy duty flashlights, uniporme at food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama na ang isang raffle draw sa mga Barangay Tanod na dumalo sa convention sa bayan ng Atimonan sa Quezon kahapon, Hunyo 9.
Ang nasabing aktibidad ay sa partnership ng DSWD at Pamahalaang Lalawigan na pinaunlakan ni Governor Helen Tan at sa pakikibahagi nina 4th District Rep. Mike Tan, Board Members na sina Sonny Ubana, Derick Magbuhos, Harold Butardo, PCL President Ola Eduarte, Mayor Rustico Joven Mendoza at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga.
Nabatid na nagbigay ng payo ang Gobernador sa mahigit 400 na Barangay Tanod na naghahatid ng serbisyo sa 42 barangay ng nasabing bayan na dapat palaging inilalagay sa puso’t isipan ang kahalagahan ng kanilang ginagawa sa komunidad.
Dagdag pa niya na kapag may kailangan at nahihirapan, huwag mahihiyang lumapit upang matugunan ang kanilang pangangailangan sapagkat aniya ayaw niyang masasakitin ang mga katuwang sa Barangay.
Sa huli, ibinilin ng Gobernador na patuloy na magkaisa para sa kaayusan sa barangay upang makamit ang pangarap na matahimik na lalawigan ng Quezon.
Samantala, nagbigay naman ng dagdag kaalaman ang Provincial Disaster Risk and Management Office sa pangunguna ni Omar Gajo at Atty. Rey Baligod ng Provincial Legal Office.
RUBEN FUENTES