DSWD, OVP EXEMPTED SA ELECTION SPENDING BAN NG COMELEC

BINIGYAN ng exemption ng Commission on Elections (Comelec) ang Department of Social Welfare and Deve­lopment’s (DSWD) sa pagpapairal ng public spending ban kaugnay ng May 9 national at local elections.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, inaprubahan na ng en banc ang petition for exception ng DSWD sa 45 araw na public spen­ding ban na magsisimula na sa Marso 25 hanggang Mayo 8.

“The Petition for Exception of DSWD during the 45 (days) period of campaign was likewise approved/granted by the En Banc,” pahayag ni Garcia.

“We denied/ granted fully and/ or partially certain petitions of other agencies and LGUs (local government units) nationwide,”dagdag nito.

Nauna nang nagsu­mite ang DSWD ng request for exemption sa pinaiiral na election spending ban na itinatakda ng Comelec Resolution No. 10747.

Kabilang sa hiniling ng DSWD na maligtas sa election spending ban ay ang mga proyektong pang-impraestruktura at procurement nito.

Samantala, pinagbigyan na rin ng Comelec ang mga petisyon ng Office of the Vice President (OVP) at iba pang ahensiya ng gobyerno na ma-exempt ang kanilang mga programa at proyekto sa panahon ng pangangampanya para sa eleksiyon.

Kabilang sa mga program ng OVP ay may kinalaman sa COVID-19 initiatives. JEFF GALLOS