NANINDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang tulong na ibinibigay nila sa mga biktima ng lindol sa Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ang paglilinaw ay ginawa ng ahensiya matapos na dumagsa sa kalsada at namamalimos ang maraming residente sa bayan ng Makilala sa Cotabato.
May bitbit na plakard ang mga ito na nakasulat ang pangangailangan tulad ng bigas, tubig, tent at iba pa, na agaw pansin sa mga motorista.
Tiniyak ng DSWD na may may ibinigay silang ‘disaster family access card’ sa mga nasa evacuation center habang wala sa itinalagang evacuation centers ang mga namamalimos.
Paliwanag ni DSWD Regional Director Joel Espejo, hindi nila maidodokumento kung bibigyan ang mga nasa kalsada.
May hinala ang DSWD na posibleng may grupo na nag-uudyok sa ilang residente para magpapansin o manamantala o kaya ay gumawa ng negatibong impresyon laban sa gobyerno.
Comments are closed.