NAGTAYO ang Department of Trade and Industry (DTI) ng dalawang service facilities sa Gensan para matulungan at maitaguyod ang pag-unlad ng micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa pahayag kamakailan ni Dorecita Delima, DTI Region 12 (Soccsksargen) director, na nagbukas na sila ng isa pang Ne-gosyo Center at ang kauna-unahang One Town, One Product Philippines (OTOP Ph) Hub sa rehiyon para maka-engganyo at mapalawak ang kanilang serbisyo sa MSMEs.
Dagdag pa nito, na ang bagong Negosyo Center, ika-53rd sa rehiyon, ay nasa City Government’s Investment and Tourism building at sa OTOP Ph Hub sa ikalawang palapag ng SM City Mall.
Nagsimula ang dalawang pasilidad sa kanilang operasyon nitong nakaraang linggo kasunod ng kanilang inagurasyon noong Biyernes na dinaluhan ni DTI Assistant Secretary Demphna Du Naga ng Regional Operations Group.
Ang pangalawang Negosyo Center ay kompleto o Model A at magkokomplemento sa operasyon ng kasalukuyang center sa R.A. Building sa Osmeña Avenue.
Ang center ay may inatasan na magbigay ng business registration assistance, business advisory services, at business in-formation and advocacy.
Ang pasilidad na ideyal para sa mga probinsiya, siyudad, at first-class municipalities, ay may mga business counselor sup-port staff mula sa local government. Ito ay may reception area, lalo na ng receiving counter, Philippines Business Registry kiosk, computers, lounge at library; consultation at meeting room; working area, at training room.
“This is basically built to serve the increasing needs and the increasing number of MSMEs in the region, specifically in General Santos City, which is the region’s center of economic activity,” sabi ni Delima.
Ang OTOP Ph Hub ay naglalayon na dalhin sa merkado ang iba’t ibang produkto ng maliliit na negosyo sa rehiyon, gayundin na tulungan ang MSMEs sa pagtatayo ng kanilang brand at tugunan ang mga paghamon na kanilang kinakaharap pagdating sa market access.
Bago makarating ang mga produkto sa mga kilalang groceries, supermarkets, department stores, at concept retail stores, ito ay mangangailangan ng “well-branded, reliable, at managed outlet” upang madaling makita ang mga produktong ito.
“This will benefit more MSMEs that are categorized as export-ready or those that diligently went through the needed product development efforts,” aniya.
Binanggit ni Delima sa mga benepisyaryo sa rehiyon ng OTOP Next Gen program ng ahensiya, na naglalayon na iangat ang mga produkto at serbisyo na inihahandog ng MSMEs. PNA
Comments are closed.