SA PAKIKIPAG-PARTNER sa Philippine Disaster Resilience Foundation, nagsagawa ang Department of Trade and Industry(DTI) Region 4-A sa pamamagitan ng Negosyo Center at SME Roving Academy ng dalawang araw na training course sa Business Continuity Planning para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at ang Negosyo Center program management staff sa Calamba City, Laguna simula kahapon, Abril 2 hanggang ngayon, Abril 3, 2019.
Layon ng programa na itaguyod at magkaroon ng kamalayan, pagpapahalaga at pang-unawa ng patuloy na pamamahala ng kon-septo ng negosyo, pagpapatakbo at mga pangangailangan na ginagawa sa konteksto ng MSME.
“We, in the DTI, recognize the major role of our MSMEs in the country’s economic development through income and job gen-eration. Thus, in CALABARZON, we want to enable our MSMEs to understand the process in developing Business Continuity Plans (BCPs) as this will serve as a very helpful tool to help them prepare for future disruptions to their businesses. After this train-ing program, we want to transform our MSMEs to ‘resilient MSMEs,’” pahayag ni DTI Region 4-A Director Marilou Q. Toledo sa kanyang panimulang mensahe.
Ayon sa survey na isinagawa ng DTI-Bureau of SME Development and Asian Disaster Preparedness Center, mayroon lamang 6% ng 513 ng mga na-survey mula sa buong bansa ang may BCP na nasa lugar. Ang mga training activities sa BCP para sa MSMEs ang may potensiyal para maitaas ang kamalayan ng importansiya ng pagpapatuloy ng negosyo sa pribadong sektor at mati-bay na komunidad.
Ang isang efficient at effective business continuity program ay dapat na inia-apply sa lahat ng negosyo para sila ay makabawi at muling mabuhay matapos ang isang sakuna. Higit pa rito, dahil ang MSME development ay isa sa mga pangunahing gawain ng DTI, ang isang Negosyo Center staff ay dapat na kargado sa kaalaman at mga kasangkapan para sila ay madaling makasuporta sa mga negosyo na maging matibay at mapagtiis sa gitna ng mga sakuna.
Ang training program ay ibinase sa simplified training module na inihanda ng PDRF na nakalinya sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) SME Guidebook sa BCP. Kalakip ng training module covered ang pagpapakilala sa Business Continuity Management Framework, pangkalahatang ideya ng BCP sa konteksto ng MSME, risk assessment, business impact analysis, at ang pagpapaunlad at implementa-syon ng business continuity strategies at ang BCP.
Comments are closed.