DTI 6 MINO-MONITOR ANG PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS

NOCHE BUENA-4

PATULOY na minomonitor ng Department of Trade and Industry sa Western Visayas (DTI 6) ang presyo ng  Noche Buena items sa merkado, ilang araw bago mag-Pasko.

Ini-release ng DTI ang suggested retail prices (SRP) sa Noche Buena items noong Oktubre  31 at magiging epektibo ito hanggang Disyembre 31 ngayong taon, pahayag ni DTI 6 assistant regional director Ermelinda Pollentes sa isang panayam kamakailan.

“We did our monitoring just recently so the result is three items on Noche Buena products are way below the SRP,” sabi niya.

Kasama sa items na ito ang isang brand ng mayonnaise at dalawang brand ng spaghetti.

Sinabi ni Pollentes na ang pagbagsak sa presyo ng items na nabanggit,  kahit sa 95.08 percent decrease, ay dulot ng kompetisyon sa merkado habang papalapit ang Pasko.

Base sa monitoring ng departamento, sinabi ni Pollentes na ang ibang Noche Buena items tulad ng ham, cheese, at quezo de bola ay nasa loob pa ng SRP.

Mayroon din aniyang marketing strategies na kumakalat tulad ng “buy-one-take-one promos” at iba pang “price-drop” sa Noche Buena items.

Pinaalalahanan ni Pollentes ang mga konsyumer na laging mag-check ng expiry date ng mga produkto na kasama sa promo o sa mga nakadikit na “freebies” sa   main products na bi­nibili.

“There are some that when it nears the expiry date, they opt to sell in a buy ‘one-take-one’ for the products to move. We should be vigilant as con-sumers in purchasing especially in bundles or in buy-one-take-one promos,” sabi niya.

Siniguro rin niya na ang Noche Buena items sa rehiyon ay sapat, lalo na sa Iloilo kung saan naroon ang  warehouses ng Panay.

Samantala, napansin niya na ang Christmas lights distributors at retailers ay sumusunod na rin ngayon sa DTI.

“We have no confiscations of substandard Christmas lights so far,” sabi niya.

Inulit niya na ang standard Christmas lights ay dapat nagtataglay ng Philippine Standard (PS) Quality and Safety Mark and Import Commodity Clearance (ICC) Sticker.  PNA

Comments are closed.