NAGHIGPIT na ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa mga naglipanang mga online seller ng face masks sa bansa.
Ginawa ng DTI ang hakbang matapos na maiparating sa tanggapan na maraming mga negosyante ang nananamantala sa pamamagitan ng pagbebenta ng napakataas na presyo ng face masks.
Ipinahayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, base sa kanyang nakalap na mga reklamo, mas mataas ang bentahan ng mga online seller kumpara sa itinakda nilang presyo sa merkado.
Aniya, nararapat na ang mga surgical mask ay mabibili sa halagang P8.00 kada piraso subalit malayo ito sa naitakdang presyo.
Kasunod nito, siniguro naman ng DTI na kanilang masusing imo-monitor at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga maaarestong mapagsamantalang negosyante o online sellers. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.