TATLONG ARAW bago ang pasukan ay patuloy pa rin ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng school supplies na posibleng samantalahin ng mga sakim na negosyante.
Nangangamba ang DTI na idahilan ng mga mananamantala ang mataas na inflation rate sa bansa at mataas na presyo ng petrolyo para sila magtaas ng presyo ng mga paninda.
Subalit aminado ang DTI na dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials ay tumaas na ang presyo ng school supplies ngayong taon.
Sa inilabas na annual guide for consumers, tumaas ng P1.00 hanggang P4.00 ang presyo ng composition, writing at spiral notebooks ng mga brands na Advance, Topline, Best Buy, Pandayan, Papelikha, Orions at Veco.
Ang pad papers naman ng Easywrite, Best Buy, Sakura, Pandayan, Papelikha, at Orions para sa Grade 1 hanggang Grade 4 ay tumaas din ng P0.50 hanggang P6 .
Ang intermediate papers mula sa Easywrite, Best Buy, Pandayan, Papelikha, at Orions ay tumaas din ang presyo ng P1.75 at P5 ayon sa kagarawan.
Maging ang mga lapis ng Best Buy at Pandayan ay tumaas ng P4.50 at P1 habang ang ball pens ng Avanti, Maryy at Pentel ay tumaas ng P1 hanggang P6.
Ayon naman sa kagawaran, bumaba ang presyo ng crayons ng HBW Jumbo no. 8 ng P11 habang tumaas naman ng P2 hanggang P10 ang regular No. 8, regular No.16, regular No. 24 at Jumbo no.8 ng brands na Colleen at Sterling.
Sa pambura naman ay tumaas ng P2 ang sa Orion. Sa ruler ay tumaas ng P3 ang sa Orion habang sa Sterling ay tumaas ng P2.
Nananatili naman sa dating presyo ang school supplies ng ibang brands. VERLIN RUIZ
Comments are closed.