PANGUNGUNAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Board of Investments (BOI), ang primary industry development at lead investment promotion agency ng bansa, sa pakikipag-partner sa Federation of Philippine Industries (FPI), the Voice of Philippine Industry, ang pagsasagawa ng Manufacturing Summit 2018 simula ngayon hanggang bukas (Nobyembre 22 hanggang 23) na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).
Nasa ikatlong taon na ngayon, ang taunang pagtitipon ng stakeholders mula sa gobyerno, industriya at sa akademya ay nagsisilbing lugar para mapag-usapan ang kalagayan ng manufacturing sector at konsiderahin ang paraan patungo sa pagpapalawig ng oportunidad at matugunan ang hamon na kinakaharap ng mga industriya sa bansa.
Sa unang tatlong buwan ng 2018, lumago ang pagpapagawa ng 5.7% sa average at nanatiling isa sa major drivers ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na lumago ng 6.3% sa parehong panahon. Ang ekonomiya ng Filipinas ay patuloy na umaalalay ng malakas na paggawa mula 2010 hanggang 2017 sa pagpapalago ng annual average rate na 6.4%, at sa manufacturing sector na lumalago sa average na quarterly growth rate na 7.6% sa parehong panahon.
Ngayong taon, magpopokus ang Summit sa domestic at global concerns na nagkakaroon ng impact sa manufacturing ng Filipinas. Sa kabilang banda, may mga panukala na gawing modern ang investment incentives ng bansa patungo sa paglago at pag-unlad ng lokal na industriya na naka-pending sa Kongreso, at pagbabago para mapabuti ang pagtatayo ng negosyo at ipinatutupad ang national competitiveness.
Sa kabilang banda pa rin, ang tensiyon sa pagitan ng Filipinas at major trade partners – ang United States at China – ang paglitaw ng Fourth Industrial Revolution ay nagpapakita ng pagpapalit ng global market na kinakailangang baguhin ng mga kompanya sa Filipinas ng may estratehiya at pagpapabago. Makakasama sa Summit ang sesyon na titingnan ang usaping ito at magtatalaga ng maraming speakers at expert panelists mula sa gobyerno, multilateral organizations, business, at unibersidad mula rito at sa ibang bansa.
Ang Manufacturing Summit ay isinasagawa bilang bahagi ng pagpapatupad ng Inclusive Innovation Industrial Strategy (i3S) ng bansa. Ang Summit proceedings ay naka-livestream via the official DTI and BOI Facebook pages accessible athttps://www.facebook.com/DTI.Philippines and https://www.facebook.com/boiphilippines, respectively. The program details are available at http://industry.gov.ph/manufacturing-summit-2018/.
Para sa iba pang katanungan, puwedeng mag- email sa [email protected].
Comments are closed.