DTI-BULACAN HINIGPITAN ANG INSPEKSIYON SA CONSTRUCTION MATERIALS

DTI-BULACAN

SAMANTALA, hinigpitan din ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan ang inspeksiyon nila sa hardware stores para masi­guro na magandang kalidad ng semento at steel products ang ibinebenta sa publiko.

Sinabi ni Jacinto Pulido, assistant provincial director of DTI-Bulacan, kamakailan na ang kanilang trabaho ay ginagawa dahil sa rami ng iron at ce-ment imports na ibinibigay ng Import Commodity Clearance (ICC).

Sinabi niya na bagama’t ang mga importasyon ay  legally binding dahil sa mataas na demand para sa bakal at semento bilang resulta ng dynamic real estate sector at ng “Build, Build, Build” program ng Duterte administration, gusto ng DTI na protektahan ang local industry at siguruhin na nakasusunod sila sa fair market competition.

“The size and weight of the steel bar is the priority of the agency. For example, for each piece of 12-millimeter iron or steel bar, it should not be cut to six meters long. It is also worthwhile that it ranges from five to six kilos,” sabi niya.

Hinimok din ng DTI official ang mga gu­magawa ng bahay at mga establisimiyento sa probinsiya na timbangin ang mga tamang sukat ng bakal na binibili para masiguro ang tamang kalidad nito at ang katumbas na perang ibinili.

Sa ngayon, wala pang mga estabisimiyento ang nahuhuli na gumagawa ng hindi tama o maano­malyang transaksiyon o nagbebenta ng substandard materials.

Samantala, sinabi rin ni Pulido na ang supply at pres­yo ng sement sa probinsiya ay nananatiling matatag.

Ang presyo ng bawat sako ng semento ay nasa PHP220 hanggang PHP226.

“The supply and pri­ces are stable as the main cement factories are based in Norzagaray and San Ildefonso towns,” ani Pulido.     PNA

Comments are closed.