IPINAGLABAN ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpaprangkisa bilang isang business model sa mga gustong maging negosyante sa panahon na ang Filipinas ay nakararanas ng economic resurgence.
Sa kanyang mensahe bilang pagbubukas ng 2019 Franchise Asia Philippines kamakailan, inilahad ni Sec. Lopez na ito ang tamang panahon para magnegosyo dahil nananatiling lumalago ang ekonomiya ng bansa ganundin ang paglago ng mga middle class na nagbibigay ng malawak na consumer base para sa bagong produkto at serbisyo.
Sinabi niya na ang pagpaprangkisa ay umuunlad dahil subok na at napatunayan ang konsepto ng pagnenegosyo at malawak na network ng mga nag-tuturo at kasamahang nagpaprangkisa.
Ang success rate para sa prangkisa ay 90%, kompara sa 25% para sa traditional retail. Ayon sa event organizer, and Philippine Franchise Associa-tion, may 2,000 local at international franchise brands sa bansa sa taong 2018 pa lamang. Ang mga brand na ito ay nakapagtayo ng total na 200,000 tindahan at nakapagbigay ng trabaho sa 1.2 milyong Filipino.
Sinimulan ng DTI ang kanilang sariling prangkisa na Go Lokal! na may 102 tindahan sa buong Filipinas, karamihan dito ay nasa high-foot traffic areas. Naghahandog ang Go Lokal! ng mataas na kalidad na klase ng produkto ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
Binuksan din ng ahensiya ang kanilang unang first KAPEtirya café sa Baguio kamakailan din lamang para makapagbigay ng mas maraming market outlets para sa mga aning kape ng mga magsasakang Pinoy. Ang DTI-branded café ay hahalo o makikisabay sa mga locally-sourced coffee at darating ang panahon na gugulong din ito bilang modelong prangkisa sa mga online store, kiosk, at mobile store options. DTI
Comments are closed.