DTI CHIEF NAGBUKAS NG TINDAHAN NA BAGONG BUHAY BORACAY

Secretary-Ramon-Lopez

PINANGUNAHAN ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagbubukas ng tindahan ng Bagong Buhay Boracay, ang pinakahu­ling programa ng ahensiya para makapagbigay ng puwang sa merkado ang produkto ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na galing sa Boracay.

“This is just the beginning of bringing Boracay products to the mainstream market. We will continue to extend financial, technical, design, and marketing support to our MSMEs in the area even after the island re-opens,” pahayag ni Sec. Lopez.

Sa pagsasara ng isla sa mga turista at sa magkakasunod na konsultas­yon sa gobyernong lokal at MSMEs sa isla, nagtulong-tulong ng kanilang kakayahan ang DTI Regional Operations Group, DTI Region VI, Bureau of Domestic Trade and Promotion (BDTP), at ang Design Center of the Philippines (DCP) sa pag­lulunsad ng tindahan sa Makati.

Ang tindahan na nasa BDTP West Wing Showroom ay naghahandog ng food delicacies, wearables, fashion accessories, home décor, at souvenir products mula sa  21 MSMEs sa isla, na binubuo ng 7 food processing businesses at 14 craft manufacturers. Ang mga exhibitor na ito ay mayroong 150 benepisyaryo sa Boracay. Ang ilang mga bagay na itinitinda ay mga produkto ng social enterprises na sumusuporta sa out-of-school youths sa Boracay at Aklan.

Dadalhin din ng DTI ang mga produktong Aklanon sa malls, supermarkets, pasalubong centers, airports, seaports, jetty ports sa Maynila, Cebu, at Iloilo. Sa pinakahuling  development, ang ibang items na handog ng tindahan ng Bagong Buhay Boracay ay dadalhin din ng Kultura sa SM Megamall.

“We guarantee our MSMEs that DTI will keep on providing holistic assistance for their products in terms of microfinancing support through the Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3), product development, and innovation. Apart from these, we also help them in branding, marketing strategy development, and market access through Go Lokal! stores as well as of One Town, One Product (OTOP) Philippine hub,” dagdag pa ni Sec. Lopez.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang local government ng Malay, Aklan sa pagsisikap ng DTI sa pagtulong sa mga apektadong MSMEs sa isla. Binigyang-diin ni  Mr. Rowen Aguirre ng Office of Malay Mayor Ciceron Cawaling ang importansiya ng pagbibigay ng bagong market access sa mga micro at small entrepreneurs, na dumedepende lamang sa kanilang araw-araw na kita para mabuhay.

Magbibigay rin ang DTI ng skills training at start-up kits sa mga residente na gustong magkaroon ng iba pang alternatibong livelihood activities. Kasama rito ang paggawa ng siomai at screen printing.

“In the coming weeks, we will be launching other events to bring the Boracay experience to the metro. We will have Boracay Festivals in Manila wherein apart from the products we can buy in the island, we will also bring in the activities the island is famous for, such as fire dancing, tattoo artists, hair braiders, caricature artists and more,” sabi pa ni Sec. Lopez.

“We encourage everyone to support our brothers and sisters in Boracay and Aklan by visiting the Boracay Stores and buying their products,” pagtatapos ni Sec. Lopez.

Comments are closed.