PARA sa mga naghahanap ng magandang ideya sa pagnenegosyo ngayong 2020, nagbigay ng suhestiyon si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na subukan ang Halal market. Si Secretary Lopez din ang chairman ng Halal Export Development and Promotion Board, isang policy-making body na bumubuo sa public and private sector representatives.
“There is big potential in Halal in the sense that there are many tourists that skip visiting the Philippines because there are only a few places where they can eat,” sabi ni Sec. Lopez. Binanggit din niya ang katatapos lang na Southeast Asian Games para maipakita ang potensiyal na merkado sa mga kapitbansa sa ASEAN.
Sinabi rin ng kalihim na ang mga negosyante ay dapat magsimula ng baguhin ang pag-iisip at tingnan ang Halal bilang isang lifestyle na puwedeng i-enjoy ng bawat isa. Kung papansinin, ang Filipinas ay halos galos lang sa ibabaw ng US$ 3.3 trillion global Halal market.
“DTI is promoting this because Halal certified food products connote positive attributes such as being clean, healthy, and pure. We encourage more companies to apply for Halal certification because it opens more markets, so more consumers can buy their products. Some local companies are already starting by certifying their canned tuna and corned beef products,” dagdag niya.
Nakikita niya na ang Singapore ay magandang model para sa domestic promotion. Tulad ng Filipinas, may 10% ng populasyon ng Singaporean na Muslims, pero maraming tindahan ang nagbebenta ng produktong Halal.
May siyam na Halal-certifying bodies sa Filipinas, tulad ng Islamic Da’wah Council of the Philippines, Halal Development Institute of the Philippines, Mindanao Halal Authority, Muslim Mindanao Halal Certification Board, Halal International Chamber of Commerce and Industries in the Philippines, Mindanao Halal Authority, Islamic Advocate on Halal and Development, Philippine Ulama Congress Organization, Alliance for Halal Integrity in the Philippines Inc., at Prime Aisa Pacific. Pero, itinutulak ni Sec. Lopez ang mas maraming certifying bodies para mapagbigyan pa ang maraming aplikante.
Ang Halal ay isang Arabic word na ang ibig sabihin ay ayon sa batas o pinapayagan at tinutukoy na mga produkto na puwedeng kainin ng Muslims. Pagkain, cosmetics at personal care items, gayundin sa hotels at restaurants ay ilang produkto at serbisyo na puwedeng maging Halal-certified.
Ang mga interesadong negosyante ay puwedeng kumontak sa DTI-Export Marketing Bureau’s Halal Section para sa assistance tungkol sa Halal-certification.
Comments are closed.