DTI-CITEM SA PH FOOD COMPANIES: ITAGUYOD ANG EXPORT PRODUCTS SA TRADE SHOWS SA CHINA

DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan-2

INIIMBITAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ang Philippine food companies na tuklasin ang mas kapaki-pakinabang na export opportunities sa China sa pagsali sa delegasyon ng bansa na isa sa pinakamalaking import-oriented expos sa mundo.

Bumubuo ang DTI-CITEM ng isang delegasyon ng 50 food exhibitors para magtungo sa China na sasali sa business linkages at business-to-business (B2B) meetings sa dayuhang counterparts sa pangalawang edisyon ng China International Import Expo (CIIE) na gaganapin sa National Exhibition and Convention Center (NECC) sa Shanghai, China ngayong darating na Nobyembre 5-10, 2019.

“For this year’s participation, the Philippines aims to strengthen its relationship with China by once again focusing on promoting its trade and investment packages. We are doing this by continuing to emphasize to the global market that the Philippines is a viable source of quality and innovative products and services,” pahayag ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan.

“We encourage food companies to join our delegation and take advantage of China’s commitment to import more high-quality agricultural products including tropical fruits from the Philippines,” sabi pa ni Suaco-Juan.

Ang China ay nangungunang trading partner ng Filipinas noong 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ang international trade sa mga bilihin nang nagdaang taon sa China ay may total na USD182.15 billion, na mas mataas ng 10.5 percent noong 2017, na sumukat sa 16.9 percent ng total trade ng bansa.

Naungusan na rin ng China ang Japan bilang pinakamalaking export market para sa Philippine bananas, na bumibili ng higit sa 1.1 million metric tons noong 2018.

Sa kasalukuyan, patuloy ang dalawang bansa sa pagpapatupad ng expanded bilateral agreements sa pamamagitan ng Six-Year Development Program for Trade and Economic Cooperation (2017-2022), na isang joint commitment para lalong mapalawak ang economic at trade activities.

Sinabi ni Suaco-Juan na ang Philippine exhibitors ay makikita sa ilalim ng CIIE’s Food and Agricultural Hall.

“This CIIE venue serves as a next-level promotion platform for Philippine food entrepreneurs who featured their products in CITEM’s signature event, IFEX Philippines NXTFOOD ASIA, and other overseas trade fair activities,” sabi pa ni Suaco-Juan.

Noong nagdaang taon, nag-exhibit ng produkto at serbisyo ang DTI-CITEM ng 40 kompanya, 10 unibersidad at pitong partner agencies mula sa gobyerno at pribadong sektor sa ilalim ng Philippine pavilion. Ang delegasyon ng bansa ay nakalikom ng  US$37.5 million, na halos apat na beses ng unang sales target.

Ang unang edisyon ng CIIE noong 2018 ay dinaluhan ng 151 bansa at rehiyon at nagdala ng higit sa 3,600 exhibitors. Dinumog ang import expo ng mahigit sa 400,000 domestic at 6,200 overseas na mamimili, na nagpataas ng masasabing makasaysa-yang business transactions para sa lahat ng exhibitors.

Ang Philippine participation ng 2019 CIIE ay inorganisa ng DTI-CITEM sa pakikipagkoordinasyon sa Export Marketing Bureau (EMB) at ng Philippine Trade at Investment Centers (PTIC) sa Shanghai, Beijing at Guangzhou.

Para sa mga interesadong sumali sa CIIE ngayong taon, kumontak kay Janine Briones, Project Officer, via email at [email protected].

Comments are closed.