PARA mas mapatibay ang Philippine exports sa pagpasok sa non-traditional markets, nakipagkolaborasyon ang Department of Trade and Industry – Export Marketing Bureau (DTI-EMB), sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) at sa Philippine Embassy sa New Delhi, sa pagsasagawa ng Outbound Business Matching Mission (OBMM) sa Mumbai, India kamakailan.
Patuloy ang DTI-EMB ng kanilang aktibong pakikipag-ugnayan sa karatig-bansa sa South Asian ng Filipinas lalo na ang India. Ang naturang bansa ay isa sa mga mabilis na lumalagong ekonomiya sa buong mundo ang inaasahan na maging pangatlong pinakamalaking consumer economy pagdating ng 2025. Maliban sa isa sa pinakamaraming dayuhang bansa, ang paborableng demograpiko ng India ay magandang gawing trading partner – pagdagdag ng populasyon pangkabataan, lumalawak na middle-class, at rising income levels.
Ang OBMM sa Mumbai ay sinalihan ng mga kompanyang Pinoy mula sa mga lugar na fast-moving consumer goods (FMCG) tulad ng packaged foods at snacks, beverages, personal care products, at pharmaceuticals, na halos lahat ay tinutukoy na malaking potensiyal sa Indian market.
“We are intensifying our efforts to enhance the country’s bilateral trade with India by exporting quality Philippine products and services to this booming market through this mission,” lahad ni DTI-Trade Promotions Group (TPG) Undersecretary Abdulgani M. Macatoman.
Layon ng misyon na direktang mai-link ang Filipino exporters sa potential business partners sa financial capital ng India at ipagpatuloy ang oportunidad lalo na sa ilalim ng ASEAN-India Free Trade Agreement (AIFTA). Ang inisyatibo ngayong taon ay kasunod ng kanilang unang business mission sa New Delhi noong 2017.
Tinanggap ng Philippine Ambassador to India, H.E. Ramon S. Bagatsing, Jr. ang delegasyon na pinangunahan ni DTI-EMB Assistant Director Agnes Perpetua R. Legaspi. Nagpahayag siya ng suporta para sa mga programa na magtutulak sa negosyo ng Filipinas at makatulong sa economic ties ng Filipinas sa India.
Noong misyon, sumali ang delegasyon sa business-to-business (B2B) meetings sa mga miyembro ng iba’t ibang Federation of Indian Chambers of Commerce & Industry (FICCI), All India Association of Industries (AIAI), and World Trade Center (WTC) Mumbai.
Isang seminar na tinawag na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) ang inorganisa na nagbigay-daan sa mga delegasyon na makapag-link sa mga Filipino community sa Mumbai para sa potensiyal na kolaborasyon at business expansion. Inendorso ni Commercial Attaché Jeremiah C. Reyes ang delegasyon sabay paghimok sa mga Pinoy sa Mumbai na humanap ng mga oportunidad sa negosyo at magkaroon ng pag-iisip sa pagnenegosyo.
Itinaon ang OBMM sa ika-14 na edisyon ng pinakamalaking food and beverage exhibition sa India, ang Annapoorna AN-UFOOD India. Sinamantala ng delegasyon ang oportunidad na mag-obserba, makipag-network sa Indian companies, at magsimula ng business leads noong okasyon.
“This business mission to India is a testimony of DTI-EMB’s commitment to diversify our exports to non-traditional markets. Barely two weeks after the mission, we already received reports from our participants on the developments in their negotiations with prospective buyers from India. We will continue to monitor the progress and be in full support of our exporters,” paliwanag ni DTI-EMB Assistant Director Agnes Legaspi.
Noong 2018, ang India ang ika-15 trading partner ng Filipinas, ika-17 export market, at ika-14 na import supplier. Ang kabuuan ng bilateral trade ay nagkakahalag ng US$2.37 billion.
Comments are closed.