NANGANGAILANGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) ng dagdag na budget na PHP1.5 bilyon para mapondohan ang kanilang microfinancing program Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o ang P3, ayon sa hepe ng ahensiya.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na target ng departamento ng total na PHP3.5 bilyon budget para ngayong taon at maabot ang 60,000 na bagong mangungutang.
Pero, kailangan pang magpasa ang Kongreso ng panukalang 2019 national budget para sa DTI para makakuha na dagdag na pondo para sa P3 Program.
Sinabi ni Lopez na ang DTI ay magpapatuloy na mag-rollout ng P3 Program gamit ang nakalaang pondo na PHP2-billion fund mula sa budget noong nagdaang taon. Pero, napansin niya na ang approval ng budget ngayong taon ay aabot sa mas marami pang beneficiaries.
“We have to wait for the 2019 budget approval for the new PHP1.5-billion fund to cover more borrowers,” pahayag ni Lopez sa isang panayam.
“We have now 62,000 borrowers. We can hit about 80,000 with the current PHP2 billion funding because we were able to re-lend the repaid loans,” dagdag pa niya.
Binanggit ng DTI chief na nag-apruba na sila ng total na PHP2.4 bilyon halaga ng pautang mula sa kanilang PHP2 billion fund na bunga pa ng P3 loans.
“Anyway, we look with the optimism that the budget will be approved soon,” sabi ni Lopez.
Nagsimula ang P3 Program noong Enero 2017 para magbigay sa micro, small, at medium enterprises nang mas madaling paraan para magkapera at hindi na nila kailangang magtungo sa loan sharks tulad ng “5-6” na tema ng pangungutang.
Sa ilalim ng P3 Program, makapagpapahiram ang gobyerno ng PHP5,000 hanggang PHP200,000 na may interest rate na hindi hihigit sa 2.5 porsiyento. PNA
Comments are closed.